CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng rider, ginahasa umano ng pulis na sumita sa kaniya sa checkpoint

Reklamong panghahalay ang kinakaharap ngayon ng isang pulis sa Pampanga matapos umano niyang gahasain ang 26-anyos na babaeng nagmamaneho ng motorsiklo ng walangg bitbit na lisensiya.


Sa ulat ng "24  Oras" noong Oktubre 11, kinilala ang suspek bilang si Police Staff Sergeant Robin Mangaga na nagmamando ng isang checkpoint sa Mabalacat noong Oktubre 8.


Ayon sa biktimang itinago sa pangalang "Olivia" dakong alas tres ng umaga nang sitahin siya ni Mangaga sa checkpoint.


Papasok sana si Olivia sa kaniyang trabaho gamit ang kaniyang motorsiklo nang mahinto siya sa checkpoint dahil sa walang maipakitang lisensiya.


Hindi naman umano tineketan ni Mangaga ang biktima ngunit i-impound nito ang motorsiklo.


Nagmakaawa si Olivia sa suspek para mabawi ang motorsiklo at makapasok ng trabaho. Nag-alok pa umano siya ng P500 sa pulis ngunit tinanggihan siya nito dahil iyon daw ay uri ng panunuhol.


Sa patuloy na pagmamakaawa ni Olivia, nag-umpisa na raw maging bastos si Mangaga hanggang sa pasakayin siya nito sa sasakyan.


Sa labis na kagustuhan mabawi ang motorsiklo, sumakay naman si Olivia ngunit hindi niya inaasahan na dadalhin siya nito sa hotel kung saan siya hinalay.


Matapos ang insident, ibinalik naman daw ng pulis ang kaniyang motorsiklo.


Dahil sa hindi katanggap-tanggap na sinapit, nagsampa si Olivia ng reklamong rape sa korte at reklamong administratibo  laban kay Manganga sa Internal Affairs Office sa Camp Crame sa Quezon City.


Sa ngayon nasa kustodiya na ng pulisya si Mangaga matapos nitong kusang sumuko sa kaniyang mga kabaro.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment