CHECK THIS OUT:

Search

Pinoy Student, wagi ng P20 million sa isang international science competition

 


Nakakamangha kung paanong ang mga Pilipino, bata man o matanda ay nagagawang makipagsabayan at mangibabaw sa iba't-ibang mga lahi sa mundo.


Gaya na lamang ng dalagang si Hillary Andales na nanalo ng $250,000 educational prizes sa isang global science video contest noong 2017.


Si Andales ay isang high school student lamang nang sumali siya sa third annual Breakthrough Junior Challenge.


Sa mahigit 11,000 na estudyante mula sa 178 na bansa na nag-register sa kompetisyon at 3,200 video submission, ang video na ipinasa ni Andales tungkol sa reference frame in general relativity ang nakasungkit ng nagniningning na papremyo.


Dahil dito ang kaniyang guro ay nakatanggap  din ng $50,000 at ang kaniyang paaralan na Philippine Science High School - Eastern Visayas ay nagkaroon din ng bagong science laboratory na nagkakahalaga ng $100,000 mula sa Cold Spring Harbor Laboratory.


Noong 2016, naging finalist at nakatanggap din ng popular vote si Andales sa parehong kompetisyon.


Bukod sa pagiging kampyon sa Breakthrough Junior Challenge, siya rin ang itinatalagang Division FInals Champion kada taon sa nakaraang dekada sa Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge.

No comments:

Post a Comment