Sa kulungan umano ang bagsak ngisang overseas Filipino worker mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil umano sa mga litrato niya sa kaniyang cellphone na walang saplot.
Sa ekslusibong panamayan ng GMA News sa hipag ng OFW na si Ana (hindi tunay na pangalan), naibahagi niyang napag-alaman niya ang nangyari nang itanong niya sa mismong amo kung bakit hindi na nagkakapag-online ang kaniyang hipag.
"Simula nuong hindi na siya nag-online, nag-message ako sa kanyang boss na lalaki sa Whatsapp. Tinanong ko po siya [ang amo] kung ano na ang nangyari kay Ana at hindi na ito nagkapag-online. Sagot po ng amo na ‘nahuli si Ana na nag-selfie sa kwarto na naka hubad’,” kwento ng hipag.
Sabi raw ng amo, dinala sa police station si Ana dahil sa mga litrato niyang walang saplot.
"Huli po siyang nag-online Sabado last week, bale pito o walong araw na po sa ngayon na hindi na siya nag-online. Ibig sabihin simula nung hini na sya nag-online, yun po siguro yung unang araw na dinala sya sa pulis," dagdag ng hipag.
Ayon naman sa mister ni Ana, napakalabong mangyari ang sinasabi ng amo dahil hindi raw umano magagawa ng kaniyang asawa na mag-selfie ng hubo't hubad.
"Sir, sa totoo lang, hindi po magagawa yan ng asawa ko na maghubo't hubad, siguro sir sexy short siguro po,” sabi ng asawa.
Nangako naman si Philippine Overseas Labor Office (POLO) Jeddah Labor Attaché Roel Martin na gagawin niya ang kaniyang makakaya upang matulungan ang OFW at ang kaniyang mga kaanak.
No comments:
Post a Comment