CHECK THIS OUT:

Search

Ben Tulfo, tinawag na 'balimbing' at 'dilawan' si Vice Ganda

Binanatan ng television at radio personality  na si Ben Tulfo ang komedyanteng si Vice Ganda dahil umano sa kaniyang pahayag ukol sa mga nagpo-post ng Bible verses ngunit sumusuporta naman sa mga magnanakaw.


Bagama't hindi naman malinaw kung sino ang pinatatamaan ni Vice, ayon kay Tulfo na nagpo-post din ng bible verses sa kaniyang social media account, na-offend siya sa sinabi ng komedyante dahil mayroon siyang mahigpit na paniniwala at pananampalataya rito.


“Vice Ganda, kung nakikinig ka at kung sinuman ang mga alipores mo, chuwari-wariwap mo, sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to...Nabubuhay ho kami doon sa mga bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post nang hindi ho namin pinaniniwalaan,” sabi ni Tulfo habang umeere ang kaniyang programang "Pambansang Sumbungan."


“‘Wag na ‘wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na ‘yung sinasabi mo, parang pati kami hagip dyan. Dapat nilinaw mo. Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga bible verses… Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito," dagdag niya.


Bakas ang panggagalaiti ni Tulfo kay Vice. Sinabihan pa nga itong "dilawan" at "balimbing"  dahil noong una raw ay suportado naman niya si Pangulong Duterte ngunit nang maipasara ang ABS-CBN ay bigla na lamang itong bumaligtad.


Samantala, wala pang sagot si Vice ukol dito. Sa ngayon ay abala ang Unkabogable star sa nalalapit niyang concert sa Pechanga Summit sa Southern California ngayong Oktubre.

Source: Bandera

No comments:

Post a Comment