CHECK THIS OUT:

Search

Delivery rider sumemplang; mga order ng customer natapon


Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang customer tungkol sa natanggap niyang order mula sa food delivery rider kahapon lamang (October 2).


Ayon kay Ryan Angelo Bolilan Marinda, dakong alas onse ng gabi nang umorder siya ng pagkain para sa kaniya at sa kaniyang partner.


Madalas naman daw silang umorder ng pagkain online ngunit ang pagkaing binili niya noong gabing iyon ay halos isang oras bago nakarating.


"Ito na ata yung pinaka worst order na natanggap ko. Tonight I placed an order via Grab  for my partner and I to satisfy our late night cravings, as usual Mcdo will do. Ganon naman kadalasan, pero somehow this supposed to be an special one kasi 2 weeks na syang onsite at ngayon lang ulit nag wfh," sabi ni Marinda.


"At 11:10pm we ordered a couple of burger meals then almost an hour before we received and update with the rider, stating na kaya medyo na-late e  unfamiliar sya sa lugar namin.  After a handful of minutes dumating si kuyang rider at medyo excited na ako even though late okay lang naman sakin," dagdag niya.


Nang kitain niya ang rider, agad daw itong humingi ng pasensiya dahil sumemplang umano ito sa kaniyang motor dahilan para ma-delay ang kaniyang pag-deliver at matapon ang inorder nila Marinda.


"Sir, ibawas nyo na yung lahat ng natapon sa bayad, pasensya na talaga," pakiusap ng rider.


Gayunpaman, pinili ni Marinda na palampasin ang nangyari lalo pa at napagtanto niya ang hirap at sakripisyo ng mga rider magawa  lamang ang kanilang tungkulin.


"Pera at oras lang yung nasayang sa araw ko na ito. Pero malaking bagay yung natutunan ko mula sa delivery na ito. Sobrang malaking lesson ito para sa akin at sana sa inyo din."


1 comment:

  1. Kwawa din ang nga del rider init lamig llo pg naulan. Konti dipetensya lng nmn ok n unawain nlng klo p nagsasabi ng totoo. Ilagay ntin ang srili ntin s knila n un lng pnagkakakitaan pra buong pmilya n umaasa s knila.

    ReplyDelete