CHECK THIS OUT:

Search

Lolong binigyan ng P500,000 pampa-opera sa kaniyang bukol, biglang pumanaw

Nakakalungkot isipin na kung kailan nakatanggap ng tulong pampagamot ang isang lolo mula sa Bicol ay saka naman ito biglang sumakabilang buhay.


Si lolo Felix Barkel ay isa sa mga naitampok sa vlog ng vlogger na si Virgenlyncares 2.0. Doon din naikwento ang kaniyang kalbaryo sa 20 taon na niyang pinapasan na malaking bukol sa kaniyang ulo.


Sa vlog na iyon din bumuhos ang tulong sa matanda. Sa katunayan, kamakailan lang ay nag-abot pa si Virgelyn ng P500,000 mula sa mga nag-donate upang maipaopera ni Lolo Felix ang kaniyang bukol.


Nakapagpa-konsulta naman ang matanda sa espesyalista at napag-alaman na siya ay mayroong acute tumor.


Iyon nga lang, hindi na naituloy ni Lolo Felix ang kaniyang gamutan dahil pumanaw ito dahil sa heart failure o komplikasyon sa puso.


Lubos ang pagdadalamhati ngayon ng kaniyang misis na ilang taon din umagapay sa kaniya. Bagama't hindi na lubos na nagamit ni Lolo Felix ang perang ibinigay sa kaniya, labis ang naging pasasalamat niya sa lahat ng tumulong sa kanilang mag-asawa bago pa man siya namayapa.




No comments:

Post a Comment