CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, nagkasakit ng cancer noon, isa nang top-notcher ngayon

Kilalanin nating ang binatilyong si Kaeano Reeves na isa nang top-nother sa Forest Licensure examination na may kahangang paglalakbay sa kaniyang buhay dahil sa kaniyang paglaban sa sakit na cancer.


Taong 2012, nag-aral ng Engineering si Keano ngunit kailangan nitong tumigil sa kaniyang pag-aaral nang tumuntong na sa 4th year malapit na sana itong matapos ng kaniyang pag aaral ngunit kailangan tumigil.


Ang bukod tanging sinabi ni Keano na nag karoon sila ng problema sa pera kaya napilitan itong mag trabaho sa call center ng anim na buwan.


Sa kasamaang palad nagdagdagan pa ang kaniyang problema ng siya ay ma-diagnose ng stage 2 cancer. matapos siyang sumailalim sa 13-hour surgery. hindi siya makapagsalita dahil sa tumor na naapektuhan ng kaniyang vocals.


Ngunit, hindi sumuko si Keano. Makalipas ang 3 buwan, unti-unti siyang natutong magsalitang muli. 


January 2018, bumalik sa pag-aaral si Keano sa bagong kurso na BS Forestry sa Caraga State University. Naka-graduate siya sa kurso nitong Agosto 2021, at nitong Oktubre, kabilang siya sa top 10 board passers sa Forest Licensure examination. 



From cancer fighter to top-notcher! Lubos ang pasasalamat ni Keano dahil nalagpasan niya ang pagsubok dahil sa suporta ng kaniyang mga mahal sa buhay at patuloy na pananalig sa Diyos.

No comments:

Post a Comment