CHECK THIS OUT:

Search

'Lalaban tayo': VP Leni Robredo, tatakbo bilang presidente sa election 2022


Matapos ang ilang araw na paghihintay ng publiko, kinumpirma na rin sa wakas ng Bise-Presidente na si Maria Leonor "Leni" Robredo ang kaniyang pagtakbo bilang presidente sa darating na halalan sa 2022.


Inanunsyo ni Robredo ang kaniyang desisyon sa pamamagitan ng live broadcast mula sa kaniyang opisina sa Quezon City noong Huwebes (October 7).


"Kailangan natin palayain natin sa kasalukuyang situwasyon," saad ni Robredo sa kaniyang mga taga-suporta.


"Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022." 


Ani Robredo, ibubuhos niya ang lahat ng kaniyang lakas hindi lamang ngayong eleksyon kung hindi sa kaniyang mga natitira pang araw upang ipaglaban ang piinapangarap na Pilipinas ng bawat Pilipino.


Marami naman ang nagbunyi sa desisyong ito ng kasalukuyang bise-presidente. May ilan pa ngang mga personalidad, gaya nila Angel Locsin, K Brosas, Agot Isidro at ang nagsuot ng kulay rosas, bilang pagsuporta sa kandidatura ni Robredo.

2 comments: