Isang karangalan na mag karoon ng magulang na ibibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak kahit ano man ang sitwasyon ng buhay mahirap man o madali, Ang bawat magulang ay nagsusumikap para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.
Marami na tayong narinig at nakita sa online na ibat ibang kwento sa pagsusumikap, Isa sa mga ito ay ang kwento ng pagsisikap bilang ama ng isang mangingisda sa Iloilo, kung saan napagtapos niya ang kanyang tatlong anak sa kolehiyo, hindi lamang isa o dalawa kundi tatlong Cum Laude ang mga anak nito ng makapagtapos sa kolehiyo.
Kinilala ang mangingisdang si Mang Ramil Montalbo, ayon sa kwento noong bata pa siya ay walang kakayahan ang kanyang ama na mapag-aral siya. Pangarap man niyang makatapos noon at maging sundalong naglilikod sa bayan, hindi ito maaari dala ng kahirapan sa buhay. Kaya naman sa murang edad ay napilitan itong maghanapbuhay na at isantabi ang pangarap.
Isa ito sa kinahaharap noon ng mga kabataan ang limitadong edukasyon at napipilitan na lamang tumulong sa magulang upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. sa kadahilan galing si Mang Ramil sa mahirap na pamilya ay pikit-mata nitong kinalimutan ang kanyang panagarap na makapagtapos.
Hindi kimalimutan ni Mang Ramil ang kanyang nakaraan kaya siya ay nagsumikap para hindi ito maranasan ng kaniyang mga anak ang kawalan ng kalidad na edukasyon, pinagsusumikapan ni Mang Ramil na itaguyod ang kaniyang mga anak sa kolehiyo at sa awa ng Diyos nag bunga naman ito. Bilang pagpupugay at para suklian ang pagod ng kanilang ama, matagumpay na nakapagtapos ang tatlong magkakapatid na ito na anak ni Mang Ramil.
Karapat-dapat na hangaan at tularan ang mga magulang na katulad ni Mang Ramil. Hindi ba’t lagi nating naririnig at laging ipina-aalala ng ating mga magulang sa ating mga anak na edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maipapamana nila sa atin.
No comments:
Post a Comment