CHECK THIS OUT:

Search

Isang kasambahay na OFW, nabago ang buhay dahil sa pamana ng kaniyang amo

 

Hindi makapaniwala ang isang Pinay na OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Hong Kong na ipapamana sakaniya ng kaniyang amo na senior citizen ang mga ari-arian nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.


Ikinuwento ni Daisy Bucad-Eng na nagmula sa Mountain Province, 16-anyos palang daw siya ng mabuntis at magkaroon ng asawa. para mabuhay ang pamilya at kaniyang mga anak, napilitang magtinda si Daisy ng asin.


sa kadahilan na hindi sapat ang kaniyang kita sa pagtitinda ng asin, naisipan ni Daisy na gayahin ang mga kapitbahay na nagtrabaho sa Hong Kong bilang kasambahay, ngunit hindi naging maayos ang kaniyang kalagayan sa una niyang amo kung saan nasa dalawang oras lang ang kaniyang pahinga.


Kinalaunan, nakalipat ng amo si Daisy sa isang senior citizen na Portuguese na si Marie. Umaabot lang noon sa 900 HK dollar o katumbas ng P2,700 bawat buwan ang kaniyang sahod.

Kahit na maliit ang kaniyang sahod masaya parin si Daisy dahil itinuri siyang ni Marie bilang isang kamag-anak. Sa kadahilanan na ayaw tumira ni Marie sa home for the aged sa Hong Kong, sumama nalang siya kay Daisy pauwing Pilipinas.


Sa taong 2002 nang pumanaw si Marie dahil sa sakit habang nasa Pilipinas.


Hanggang sa isang araw, nakatanggap si Daisy ng sulat sa pamilya ni Marie na nagsasaad na kasama siya sa last will of testament ng namayapang amo.


Ang 11 taong pagsisilbi ni Daisy kina Marie, sinuklian ng pamana na mga ari-arian tulad ng apartment building at stocks na milyon-milyong piso ang halaga.


"Sa mga OFW na naghihirap man kayo ngayon be patience and hardwork are the key to sucess," sinabi ni Daisy.


"The overall denominatior ng lahat ng ito ay yung honesty. Kung anumang trabaho ang meron ka diyan gawin mo na nang tama," dagdag pa niya.


No comments:

Post a Comment