CHECK THIS OUT:

Search

Babae, kunwaring nahihilo para makaiwas sa pagbabayad sa isang restaurant

Arestado ang isang 24-anyos na ginang mula sa Calamba, Laguna dahil sa kaniyang ginagawang panloloko sa mga kinakainan nitong mga restaurant.


Ayon sa manager ng isang restaurant na nabiktima ng suspek na si Rozzete C. Bartolome, modus daw nitong umorder ng sandamakmak na pagkain at magpanggap na naghihintay sa kaniyang asawa na siya raw umanong magbabayad para sa kaniya.


Kapag paubos na ang mga pagkain, saka naman daw ito magpapanggap na nahihilo o biglang nakatulog.


“Sa lahat ng kaibigan ko na nasa food industry, Mag ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko yan! Modus nya mag order ng marami at sasabihin darating asawa nya. Kapag nakakain na magdrama na sya na nahihilo at magtulog tulugan. Ending walang pambayad! Maxs at Pancake na nabibiktima nya,” pagbabahagi ni Florentino sa kaniyang Facebook post. 


Ngayon, hindi na makakapagbiktima pa si Bartolome dahil nahuli at kinasuhan na siya ng mga pulis.


No comments:

Post a Comment