CHECK THIS OUT:

Search

6-anyos na batang buto't balat sa Cebu, malaki na ang itinaba at isinigla

Noong Agosto, matatandaang isang anim na taong gulang na bata mula sa Cebu ang itinampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.


Ang batang ito ay walang iba kung hindi si Ranelyn Arriola na ang tanging hiling ay maisuot muli ang paborito niyang bestida.


Noong maibahagi ang kwento niya noon sa publiko, tumitimbang lamang ng 6.5 kilos si Ranelyn, katumbas lamang ng isang pitong buwang sanggol.


Lubog ang mga mata at pisngi nito at halos buto't balat na lamang. Ayon sa sumuring doktor noon, si Ranelyn ay mayroon umanong parasitic infection na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng kaniyang katawan.


Sa tulong ng KMJS ay nadala ang paslit sa isang ospital sa Lapu-Lapu City kung saan siya binigyan ng medikal na atensyon upang manumbalik ang kaniyang dating katawan.


Makalipas lamang ang ilang linggo, si Ranelyn ay unti-unting nagkalaman at bumuti ang kalagayan.


Mula sa halos pitong kilo, nasa 9.5 kilos na ngayon ang timbang ng bata. Nakakapaglakad na ito, nakakakain ng mag-isa, at nakapagsasalita.


Kaya naman, matapos ang isang buwang pananatili sa ospital ay muli na ring nakauwi si Ranelyn sa kanilang tahanan.




No comments:

Post a Comment