Ang sana ay "best wishes" ay nauwi sa "condolences" matapos pumanaw ng isang lalaki na ikakasal pa naman sana sa kaniyang kasintahan noong Hulyo 31, 2021.
Ang magnobyo at nobya na sina Ralph Waldo G. Landicho, 32-anyos na seaman, at Raquel F. Panganiban, 26-anyos na OFW, ay sabik na sabik sa kanilang hinaharap bilang mag-asawa.
Kaya naman, nang makauwi si Ralph sa Pilipinas noong Hunyo 4, at si Raquel noong Hunyo 12, ay agad na nilang inasikaso ang pinagplanuhan nilang pag-iisang dibdib.
“Kung saan-saan na po kami nagpunta. Bumaba siya ng barko at hindi agad kami nakapagpa-vaccine kasi super excited siya sa pag-aayos ng kasal namin (We went everywhere. He wasn’t able to get vaccinated, because he was super excited to work on the wedding preparations as soon as he got off the ship,” sabi ni Raquel sa kaniyang panayam sa Manila Bulletin Lifestyle.
Habang abala ang dalawa sa paghahanda sa kanilang kasal, bigla nalang nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 si Ralph. Noong una ay inakala niya na dala lang ng pagod ang kaniyang mga nararamdaman ngunit lumala nang lumala ang kaniyang kondisyon hanggang sa dalhin na siya sa ospital.
"Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang magasawa, ganun din sa pamilya niya. Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamatay. Magiging official pa ako?’ Dream niya maging official sa barko," pagbabahagi ni Raquel.
Bagama't patuloy na nilabanan ni Ralph ang nakamamatay na virus, tuluyan itong pumanaw noong Agosto 3, tatlong araw lamang pagkatapos ng na-postpone nilang kasal.
Masakit at mahirap man para kay Raquel ang nangyaring bangungot para sa kanila, pinipilit niyang bumangon alang-alang sa ikakatahimik ng kaniyang yumaong fiance.
"Ayaw nya na ako ay nahihirapan kaya yung mga sinasabi nya nung si hubby ay nabubuhay pa yung mga sinasabi nya ang binaon ko para ako ay lumakas at bumangon."
Source: Manila Bulletin
No comments:
Post a Comment