CHECK THIS OUT:

Search

Luiz Manzano, inamin sa asawang si Jessy Mendiola na nag-cheat na siya noon




Inamin ng host-actor na si Luis Manzano sa kaniyang asawang si Jessy Mendiola na maging siya ay nagloko na rin sa kaniyang partner noon.


Naisiwalat ito ni Luis nang makipaglaro siya ng "Never Have I Ever" sa vlog ng kaniyang misis.


Ayon kay Luis, nasa high school at college siya nang nagawa niyang makipag-date sa mga babae nang sabay-sabay.


"Dalawa silang dini-date ko nang sabay... Actually hindi ko maalala. Basta ang alam ko marami akong dini-date noon," sabi ni Luis.


Dagdag pa ng aktor, nagawa niya na rin noon na piliin ang isang babae kaysa sa kaniyang kaibigan.


"I have. 'Di ko pwedeng sabihin ang pangalan (nung girl). Pero ang best friend ko is obviously si Anne (Curtis). Parang a while back parang hindi niya gusto 'yung dini-date ko na 'yon, parang sabi niya 'Manzano, as long as dini-date mo 'yon 'di tayo mag-uusap,'" kwento niya.


Gayunpaman, nilinaw ni Luis na never siyang nagloko sa taong mahal niya simula nang siya ay tumanda na at maging matured.


No comments:

Post a Comment