CHECK THIS OUT:

Search

VIRAL: Pasahero, ipinagmaneho ang inaantok na 70-anyos na taxi driver


Hanga ngayon ang mga netizen sa isang babaeng pasahero na kusang loob na ipinag-drive ang isang 70-anyos na taxi driver na hindi na makapagmaneho dahil sa sobrang antok.


Ayon kay Cristina Tan, habang sila ay nagbibyahe ay sinabihan siya ng matanda na ililipat na lamang siya sa ibang taxi  dahil inaantok ito at hindi na kaya pang magpatuloy sa pagmamaneho.


Nangamba naman si Tan dahil baka hindi siya agad makahanap ng taxi lalo pa at malayo pa ang kaniyang uuwian. Dahil dito, naisipan niya na lamang na magpresinta sa pagmamaneho.


Bagama't ilang beses na tumanggi ang matanda, napilit din ito ni Tan kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang taxi driver na makapagpahinga.


"Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahe ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver," kwento ni Tan.



No comments:

Post a Comment