CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, 1 linggong naglakad para aminin ang ginawang pagpatay sa 3 katao


Isang lalaki mula sa Russia ang isang linggong naglakad para sumuko sa pulisya at aminin na siya ay sangkot sa pagpatay sa tatlong katao.


Ayon sa awtoridad nitong Martes (Agosto 31), nakaaway ng suspek ang kaniyang kasamahan habang nag-iinuman sa isang reindeer farm sa Khabarovsk region, malapit sa border sa pagitan ng Russia at China. 


Marahil sa tindi ng away ng dalawa, pinagbabaril ng lalaki ang kaniyang kasamahan at ang dalawa pang babae na naroroon sa naturang lugar.


Dahil malayo at walang transportasyon sa kinaroroonan ng suspek, napagdesisyunan niyang maglakad nang isang linggo para kusang sumuko sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.


"Due to the farm's remote location and the lack of transport options, the man walked for a week to the village of Okhotsk, where he turned himself in to the police and reported that he had committed the crimes," ayon sa pahayag. 


Kasalukuyan na ngayon nakakulong ang lalaki at napuntahan na rin ng mga pulis ang pinangyarihan ng krimen.


Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment