CHECK THIS OUT:

Search

Ama, nagtitiis sa bagoong at sibuyas para hindi na makihati sa ulam ng mga anak


Tagos sa puso ng mga netizens ang kwento ng isang ama na tinitiis ang kalam ng sikmura masolo lang ng kaniyang mga anak ang kanilang ulam tuwing hapunan.


Ayon sa anak na si Aldi Relqno, sa tuwing sila ay kakain ng hapunan ay palaging hindi sumasabay ang kaniyang ama sa kanilang pagkain sa kadahilanang tapos na raw ito o 'di kaya naman ay busog pa..


Madalas din umano ang pagbangon ng ama tuwing alas onse ng gabi ngunit ipinagsasawalang bahala lamang ito ni Aldi.


Subalit isang araw, napagdesisyunan ng binata na sundan ang kaniyang ama, dito na niya napag-alaman na tinitiis ng kanilang padre de pamilya na hindi kumain tuwing hapunan nang sa gayon ay hindi na siya makihati sa kanilang hapunan.


"Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi. Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw. Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain. Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam, Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam." kwento ni Aldi.


"Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam," dagdag niya.


Lahad ni Aldi, nasagasaan ng truck ang kaniyang ama noong March 18, 2021 dahilan kung bakit nabalian ito ng buto sa kanang braso at mahirapan sa pagkilos.


Bagama't ilang buwan na ang nakararaan mula ng mangyari ang aksidente, hanggang ngayon ay mabagal pa rin umano ang usad ng kanilang kaso para sana mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang ama.


Dating OFW ang ama ni Aldi. Maganda naman daw ang buhay nila noon ngunit nang dahil sa aksidente ay unti-unti silang nahirapan sa kanilang buhay dahil na rin hindi na makapagtrabaho ang kaniyang ama.


Kaya naman, naisip ng binata na i-post ang kwento at video ng kaniyang ama nang sa gayon ay mayroong makatulong sa kondisyon nito.


Umaasa rin si Aldi na makarating ang kaniyang Facebook post sa Broadcast journalist na si Raffy Tulfo na kilala sa pagbibigay ng tulong sa mga taong higit na nangangailangan.


No comments:

Post a Comment