CHECK THIS OUT:

Search

VIRAL: Mga batang babae sa Bulacan, ano nga ba ang pinag-aawayan?


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang apat na batang babae mula sa Pandi, Bulacan na naaktuhang nag-aaway sa isang eskinita.


Sa nakuhang video na kumakalat ngayon sa Facebook, kitang-kita kung paano nag-angasan at sagutan ang mga bata sa hindi malaman-lamang rason.


Sa episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," nakilala ang mga paslit bilang sina Joela, Yanyan, Naji, at Ivy na pawang magkakaibigan naman pala.


Nagkataon lang na nag-away-away sila dahil di umano sa isang chichirya.


"Binigyan ko na po siya pero bigla pong inagaw niya," sabi ni Joela.


"Sabi kasi ni [Joela], siya na lang po kakain," paliwanag naman ni Yanyan.


Bagama't nakabibigla ang mga salitang nabitawan ng mga bata nang sila ay nag-aaway, marami ang napahalakhak sa tawa lalo na ng sabihin ni Joela kay Yanyan na "Kala mo hindi masakit 'yung pinagsasabi mo sa akin? Na patay gutom ako? Bakit? hindi ba yun masakit? Eh ikaw nga, inuulam mo kalapati eh!"

No comments:

Post a Comment