CHECK THIS OUT:

Search

Paolo Contis, nilinaw na magkaibigan lang sila ng aktres na si Yen Santos


Simula nang pumutok ang balitang hiwalay na ang mag-long-time partner na si Paolo Contis at LJ Reyes, naging usap-usapan na may kinalaman rito ang aktres na si Yen Santos.


Si Yen ang leading lady ni Paolo sa pelikula nitong "A Faraway Land" na inilabas kamakailan lamang sa Netflix.


Mas tumindi ang haka-haka ng publiko na si Yen nga ang rason ng hiwalayang Paolo at LJ nang maaktuhan at ma-video-han silang dalawa ng aktor sa Baguio nang magkadikit sa isa't-isa.


Kahapon lamang (September 8), ay nagsalita si Paolo sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account at kinumpirma na nagpunta nga siya ng Baguio kasama si Yen.


Ngunit paglilinaw niya, magkaibigan lamang sila ng aktres at hindi siya ang rason kung bakit sila naghiwalay ng anim na taong niyang girlfriend na si LJ.


"When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip," sabi ng aktor.


"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this," dagdag niya.


Gayunpaman, malaki pa rin ang pagdududa ng publiko lalo pa at kita sa mga video at larawan kung gaano ka-sweet at kalapit ang dalawa sa isa't-isa.


Narito ang ilang komento ng netizens.





No comments:

Post a Comment