CHECK THIS OUT:

Search

Viral: Mangangalakal, pinagbibintangan umanong magnanakaw ng 2 guwardiya

Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens ang video na kumakalat ngayon sa social media na kung saan makikita ang isang mangangalakal at dalawang guwardiya na mayroong pinagtatalunan.


Sa video, makikkitang inaakusahan ng dalawang guwardiya ang mangangalakal na nagnakaw ng bakal sa isang establisyemento na bawal pasukan.


Depensa ng mangangalakal, wala siyang ninanakaw at ni minsan ay hindi siya pumunta sa establisyementong tinutukoy ng mga guwardiya dahil alam niya na bawal pumasok doon.


Gayunpaman, pinipilit ng mga guwardiya na ang mga bakal na nakalakal ng lalaki ay ninakaw sa establisyementong tinutukoy nila.


Ayon sa mangangalakal, sa ibang lugar niya nakuha ang mga bakal at nagpaalam pa nga umano siya sa guwardiyang nagbabantay doon na kukuha siya ng makakalakal.


Umiiyak man ang mangangalakal habng ipinagtatanggol niya ang kaniyang sarili at pinaghirapang mga kalakal, hindi pa rin kumbinsido ang mga guwardiya sa kaniyang paliwanag.


"Porket ganyan hitsura ni manong magnanakaw na sya. Saka nyu nalang e judge yung tao pag sure na kayong ninakaw talaga nya yan at kung nagsasabe ngaba sya ng totoo. May values kayong pinag aralan sana magamit nyu man lang yun sa simpleng paraan," komento ng isang netizen.


"Trabaho ng guard na sitahin mga ganyan lalot nasa private na property..profiling ang trabaho ng mga guard...sa dami ng guard sa company namin ganyan din sila nag tatanung at nag iimbistiga kung may hindi kanais nais na nangyayari," pagtatanggol naman ng isa sa mga guwardiya.





1 comment:

  1. Mag imbestiga kayo hindi basta basta magbibintang kayo na nagnakw siya eh wala naman kayo ebedinsya tapos nakita niyo ba siya sa akto na nagnanakaw gaya ng sabi niyo..puntahan niyo yung sinasabi niya kunga saan niya nakuha yung kalakal niya at tanungin niyo kung totoo sinasabi ng tao..mag imbestiga muna kayo saka niyo siya sabihan ng magnanakaw kung mapatunayan niyo na hindi siya nagsasabi ng totoo..baka kayo pa mapahamak at mawalan ng trabaho.

    ReplyDelete