Labis na lungkot ang naramdaman ng publiko para sa isang matanda mula sa Bicol na mayroong pasan-pasang malaking bukol sa kaliwang bahagi ng kaniyang ulo.
Sa video na ini-upload ng vlogger na si Virgelyncares 2.0, makikita na malaki pa sa ulo ni Lolo Felix Barkel ang bukol na 20 taon na niyang dala-dala.
Base sa salaysay ng vlogger, mayroon ding mga laman na nakasilip sa bukol ng matanda. Nangangamoy din daw ang mga ito.
Ayon sa asawa ni Lolo Felix, pangalawang bukol na ang nasa ulo ng kaniyang mister. Ang unang bukol ay naipaalis sa pamamagitan ng operasyon.
Iyon nga lang, makalipas ang ilang taon, panibagong bukol na naman ang tumubo sa lugar kung saan din tumubo ang unang bukol. Dahil kapos sa pera, hindi ito mapaopera ni Lolo Felix hanggang sa lumaki na ito ng lumaki.
Noong Enero, nakatanggap ng tawag ang mag-asawa mula sa Bicol Medical Center para sa libreng operasyon para kay Lolo Felix. Tatawagan na lamang daw sila ulit sa oras na ma-schedule na ang operasyon ng matanda ngunit siyam na buwan na ang nakaraan wala pa ring naririnig na balita ang mag-asawa mula sa ospital.
Bilang tulong, inabutan ni Virgelyn ang mag-asawa ng P20,000. Bagay na ipinagpasalamat ng dalawang matanda lalo pa at naghihingi lamangg sila sa kanilang mga kamag-anak upang matustusan ang pangangailangan ni Lolo Felix.
Bumuhos din ang mga donasyon mula sa mga nakapanood ng video. Tulad ng vlogger, hangad din nila ay mapabuti ang kalagayan ng matanda.
"Subra naman po nakakadurog ng puso ang kondisyon ni Tatay 20 yrs ng nagtitiis hindi man lang nailapit yan sa mga gov.sectors na pweding makakatulong sa kanila para mapaopera Sana noon pa.. prayers for you Tatay," komento ng isang netizen.
Panoorin ang panayam kay Lolo Felix dito:
No comments:
Post a Comment