CHECK THIS OUT:

Search

VIRAL: Estudyante, sinabihang mag-drop ng guro kung walang pantustos sa online class


Galit na galit ngayon ang netizens sa isang guro sa kolehiyo matapos sabihan ang kaniyang estudyante na huminto na lamang sa pag-aaral kung hindi naman kayang tustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang online classes.


Sa isang screen record video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang guro na nakikipag-usap sa kaniyang mga estudyante habang sila ay nagkaklase online.


Ayon sa guro, dapat na maging responsable ang mga estudyante at gumawa ng paraan upang makapag-aral.


Maya-maya pa nagtanong ang isa sa kaniyang mga estudyante "Eh pa'no po sir kung wala talagang pambili ng laptop?"


"Mag-drop. I suggest mag-drop. That is. Mag-drop. Kung ang problema sa pag-aaral ay walang internet, walang pambili ang nanay, walang pambili si tatay, mag-drop. 'Wag ng mag-aral. Ganu'n lang," sagot ng guro.


Ito rin ang naging payo ng propesor nang ibalita ng isa pang estudyante na hindi makapasok sa kanilang online class ang ilan sa kaniyang mga kaklase dahil sa hina ng internet connection.


Dahil dito, marami ang nadismaya at nagalit dahil naniniwala sila na dapat ang guro ang naghihikayat sa mga estudyante na mag-aral sa halip na mag-drop.


"Wla man lang encouragement sa student kaagad nyang inalisan ng pag asa," giit ng isang netizen.


Sa kabilang banda, mayroon namang mangilan-ngilan na pumanig sa guro dahil baka ang nais lamang daw iparating ng guro ay dapat na gumawa rin ng paraan ang mga mag-aaral upang makapasok sa kanilang mga klase.


"Maybe what the teacher is trying to convey here is... Lahat may paraan. If you wanted to learn one should do the very possible things to make it. I had seen one child who uses a streetlight to be able to do his homework," pagtatanggol ng isa pang Facebook user..



3 comments:

  1. Iyong walang pang-online , mag-face to face pero 1 meter distance ng upuan

    ReplyDelete
  2. Tanggalan ng lesinsya...echeck nyu sa deped kung nakapasa ba Yan walang kwentang guro Yan...dapat unawain nya mga estudyanti nya panukung kung naghihirap nman.dapat teacher ikaw gumawa ng paraan..

    ReplyDelete
  3. Grabe nmang guro nyan mapang Lait sa sino mang studyante nyan dpat sabihan nya ng maayos dpat cya ang maging magandang halimbawa Demonyo a try pinaghalong c Satanas ang ugali nyan mapang husga sa kapwa

    ReplyDelete