CHECK THIS OUT:

Search

Grade 1, naglupasay sa iyak dahil sa hirap sa pag-unawa at pagsagot sa module


Naiyak na lamang ang isang grade one student habang pilit na inuunawa at sinasagutan ang kaniyang mga learning module na nakasulat sa wikang Filipino at bisaya.


Ayon kay Rodgeville Ferrater, ina ng batang si Alex, hirap ang kaniyang anak sa pag-aaral ng kanilang mga aralin dahil sa nakasanayan nitong gamitin ang wikang Ingles.


"Ang language ng modules na ginamit ay Tagalog, mayroon ding Bisaya. Filipino language kasi, nahihirapan siyang intindihin. English kasi ang pinanonood na movie," sabi ni Rodgeville sa kaniyang panayam sa GMA News.


Sa sobrang hirap ni Alex sa pag-unawa sa kaniyang mga aralin, naglupasay na ito sa kanilang sahig habang umiiyak. Ayaw na rin niyang sagutan ang mga gawain sa kaniyang mga module.


Bukod sa lengwaheng mga ginamit, ayon kay Rodgeville nahihirapan din ang kaniyang anak dahil sa mga mahahabang pangungusap na mali-mali naman ang pagkakabuo.


Kaya naman panawagan niya, "Mas okay siguro kung i-simplify, paikliin tapos i-proofread siguro muna before i-print out, before nila i-distribute."

No comments:

Post a Comment