CHECK THIS OUT:

Search

Tambalang Moreno-Ong kasado na para sa 2022 election


Kumpirmado na na hahabol sa pagka-Pangulo ang ngayo'y Manila City Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso sa darating na eleksyon sa 2022, ayon sa kaniyang campaign manager na si Lito Banayo.


Pagbabahagi ni Banayo, ang magiging bise presidente ni Moreno ay si Willie Ong, isang doktor at public health advocate.


Kilala si Moreno hindi lamang sa pagiging artista kung hindi maging sa kaniya pagiging mabuting lider sa Maynila.


Ilan sa mga naging proyekto niya ay ang agresibong clean-up campaign, in-city housing projects, maagap na pagbabakuna at pagbibigay ng libreng gamot kontra COVID-19.


Samantala, una ng humabol si Ong bilang senador noong 2019. Sa kasamaang palad, hindi ito nanalo ngunit siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

No comments:

Post a Comment