CHECK THIS OUT:

Search

100-anyos na lola pumanaw nang hindi natatanggap ang cash incentive

Hindi na napakinabangan ng isang centenarian na lola ang kaniyang cash incentives mula sa Department of Social Welfare and Development dahil pumanaw na ito bago pa man naibigay.


Ang pera na hinihintay ni Lola Eugenia ay ang ipanangakong P100,000 cash gift para sa mga aabot ng 100 taong gulang sa batas na Centenarians Act of 2016.


Ayon sa anak ni Lola Eugenia, bago pa man ito mag-100 taong gulang ay nilakad na ang kaniyang mga papeles upang makakuha ng cash incentives.


Natapos ang kaarawan ng matanda noong 2020 ngunit hindi pa rin naibibigay ang nasabing pera. 


Ngayong 2021 ay nalaman ng pamilya ni Lola Eugenia na malapit ng i-release ang kaniyang centenarian gift matapos ang isang taong pagka-delay.


Gayunpaman, huli na ang lahat dahil nito lamang September 12 ay pumanaw na ang matanda ilang araw bago ang kaniyang 101st birthday.


“Masakit po. Matagal na inintay kaso hindi nakaabot. Kung ‘yun ay nabigay agad noon bago pa siya mag 100, napakinabanggan na po,” pagbabahagi ni Gliceria Gertes, anak ni Lola Eugenia.


Giit niya, sana ay hindi na mangyari sa iba ang naranasan nila lalo pa at malaking kasiyahan para sa mga centenarian na matatanda ang makatanggap ng ganoong kalaking pera.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment