CHECK THIS OUT:

Search

Kristine Hermosa sa kaniyang adopted son: 'Hindi aksidente na binigay ka Niya sa amin'


 proud ang aktres na si Kristine Hermosa sa panganay na anak nila ni Oyo  Sotto.


Si Kristian Daniel, o Kiel ang pinakamatanda sa mga supling ng mag-asawa.


Inampon ni Kristine at Oyo ang bata bago pa man sila ikasal noong January 2011.


Para sa mag-asawa, isang malaking biyaya ang pagiging magulang ni Kiel na ani ni Kristine isang napakabait at maunawaing anak.


 "Walang aksidente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin.. na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang.. [emoji]," mensahe ng 37-anyos na aktres noong 13th birthday ni Kiel.


"Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings. You are a good and obedient son, Kiel.. don’t forget that," dagdag niya pa.


 "I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much!," sabi naman ni Oyo.


No comments:

Post a Comment