CHECK THIS OUT:

Search

Singer-composer ng kantang 'Pusong Bato' pumanaw matapos tanggihan ng higit 40 ospital

 

Namayapa na sa edad na 61 ang singer-composer na si Renee "Alon" dela Rosa nito lamang Miyerkules (September 15) dahil sa komplikasyon sa baga.


Ayon sa kaniyang asawa na si Raquel Hernandez, pumanaw si Dela Rosa sa Novaliches District Hospital ganap na alas siyete ng umaga.


Hindi agad nakatanggap ng atensyong medical si Dela Rosa dahil sa tinanggihan ito umano ng higit sa 40 na ospital sa 48 oras na paghahanap ng kaniyang pamilya ng emergency treatment.


Pagbabahagi ni Hernandez, lumampas na raw sa kapasidad ang mga ospital na kanilang nalapitan kung kaya hindi tinanggap ang kaniyang asawa.


“Naka-oxygen siya dahil may oxygen tank kami. Hindi namin matanggap na hindi siya nabigyan ng first aid man lang o dextrose," pagbabahagi ni Hernandez.


Si Dela Rosa ang gumawa at umawit sa OPM hit na "Pusong Bato" na tinangkilik hindi lamang ng mga matatanda kung hindi maging ng mga bata.

No comments:

Post a Comment