CHECK THIS OUT:

Search

Mag-ama, nagpalaboy-laboy sa kalsada matapos umanong iwan ng asawa

 

Kaawa-awa ang sitwasyon ngayon ng isang mag-ama na napilitang maging palaboy sa kalsada matapos umano silang iwan ng kaniyang misis para sa kanilang itinuring na kumpare.


Ayon sa FB user na nagbahagi ng kwento sa SIRBISU Channel, ang amang si Benje Aranas ay hindi na nakapagtrabaho pa mula noong iwan siya ng kaniyang asawa.


Si Aranas kasi ang nag-alaga sa noo'y tatlong buwan pa lamang nilang anak. Dahil sanggol lang ang kaniyang anak, hindi niya ito maiwan dahilan upang mahirapan siyang magpatuloy sa pagtatrabaho.


"3months old palang ang baby ni kuya benje aranas nung iwanan ng kanyang asawa sa kanilang kapitbahay, ayon sa kanya sumama daw sa kanilang kumpare si misis.kaya hindi,na nakapagtrabaho si kuya," sabi ng nagbahagi sa kwento.


Dahil walang mapagkakakitaan at marami ang hindi kayang mag-abot ng tulong nang mag-umpisa ang pandemya, napilitan ang mag-ama na maging palaboy na lamang sa kalsada.


Ang masaklap pa rito, nanakaw ang bag na bitbit ni Aranas kung kaya kahit na anong gamit ay wala silang dala.


Panawagan niya na sana ay mayroong tumulong sa kanila na makuuwi sa probinsya sa Samar nang sa gayon ay makapagsimula sila ng panibagong buhay ng kaniyang anak.

No comments:

Post a Comment