CHECK THIS OUT:

Search

Pasaway na anak, iniwan ng mga magulang sa isang isla para magtanda



Sa sobrang tigas ng ulo, isang teenager mula sa China ang iniwan ng kaniyang mga magulang sa isang isla upang turuan ng leksyon.


Sa ulat ng Mirror, iniwan ng mga tsinong magulang ang kanilang 13-anyos na anak na babae sa isang isla sa Shandong, China na  halos walang katao-tao.


Ang teenager ay na-drop out sa pinapasukan niyang paaralan at hindi na rin lumalabas sa kaniyang kuwarto.


Kaya naman para ayusin ang kaniyang pag-aasal at turuan siya kung paano magsikap, nagpadesisyunan ng mga magulang na iwanan siya sa isla na walang linya ng tubig o kuryente.


Kasama ang isang survival expert, nanatili ang babae sa isla ng dalawang araw hanggang sa nakahingi siya ng tulong sa isang mangingisda na siya namang nag-report sa mga pulis.


Nang makarating ang mga pulis, sinabi ng bata na hindi niya kayang mabuhay sa sa mga biskwit at sa lugar na napaliligiran lamang ng dagat.


Sa huli, isinama naman pauwi ng mga magulang ang kanilang anak lalo pa at bahagyang nagbago ang pag-uugali nito.


No comments:

Post a Comment