CHECK THIS OUT:

Search

Bunsong anak ni Super Tekla, tinamaan ng COVID-19



Taimtim na panalangin ngayon ang hiling ng komedyanteng si Super Tekla matapos magpositibo umano sa COVID-19 ang kaniyang bunsong anak na si Baby Angelo.


Ayon sa Facebook post ni Tekla noong Huwebes (September 23), ang kaniyang anak ay kasalukuyang naka-confine sa Quezon City General Hospital.


"Kahit anong ingat Need your prayers for Angelo confined, QCGH COVID. Ama diko Alam ang gagawin kayo nang Bhala kay ANGGE," sabi ng komedyante.


Sa kabutihang palad, maayos na raw ang kalagayan ni baby Angelo at wala na sa kritikal na kondisyon.


Pinasalamatan ni Tekla ang Panginoon, ang mga nag-alay ng dasal at maging ang medical frontliners na nag-alaga at nag-asikaso sa kaniyang anak.


"SI GOD NA BHALA SA DI MATAWARANG DEDECATION NYO SA MGA NANGANGAILANGAN SA PANAHON NG PANDEMIC NATO.HINDI BIRO ANG COVID INGATAN NINYO MGA ANAK NINYO."


Nitong nakaraang taon, matatandaang minsan na ring humingi ng tulong si Tekla sa publiko para kay Baby Angelo na nagkaroon ng anorectal malformation or walang butas sa puwit.


No comments:

Post a Comment