CHECK THIS OUT:

Search

Estudyanteng bitbit ang mga anak sa klase, mayroon na ngayong master's degree



Mahirap man kung tutuusin pero kinaya ng isang estudyanteng ito ang mga hamon ng pagiging isang ina habang ipinagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral para sa inaasam niyang master's degree.


Kwento ng estudyanteng nanay na si Joyce, tatlong taong gulang lamang ang kaniyang panganay nang magsimula siyang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.


Sa umaga ay hatid-sundo ni Joyce ang kaniyang anak sa preschool classes, sa gabi naman, dakong alas singko ng gabi, diretso sila nito sa UP dahil siya naman ang papasok sa kaniyang klase.


Nang mabuntis si Joyce sa kaniyangg ikalawang anak, hindi siya huminto, bagkus ay nagpatuloy siya sa kaniyang mga nakagawian bilang isang estudyante at magulang.


Gayunpaman, lalong tumindi ang hamon sa kaniya nang kinailangan niya na ring bitbitin ang kaniyang sanggol kasama ang kaniyang panganay sa kaniyang mga klase.


Kahit mas marami pa madalas ang bitbit na diaper, tubig, at snaks ni Joyce kaysa sa libro at mga journal, baliwala ito sa kaniya dahil sa tatag ng kaniyang kalooban.


Madalas ay hindi makapag-concentrate sa loob ng klase si Joyce dahil sa mga pagkakataong kinakailangan niyang magpasuso sa noo'y pitong buwan niya lamang na sanggol.


Mabuti na lamang, at maunawain umano ang kaniyang mga guro at mga kaklase. Mabait din ang kaniyang panganay na behave lang habang nagkaklase ang kaniyang mommy.


Ayon kay Joyce, napipilitan siyang dalhin ang mga bata sa paaralan dahil wala silang katulong at wala rin naman silang kamag-anak mag-aalaga sa mga ito.


Sa kabila nito, ni minsan ay hindi ikinahiya ni Joyce ang pagbibit ng anak sa kaniyang klase bagkus ay proud na proud pa ito at nalampasan niya ang isa sa mga pinakamahirap na yugto sa kaniyang buhay.


Nito lamang Mayo ay nakapagtapos din ng pag-aaral ang estudyanteng ina. At ang pinakamahalagang leksyon na natutunan niya? Ito ay ang katotohanan na "Ang tagumpay pala ng isang tao ay hindi nasusukat sa diplomang papel, sa sablay, o sa ano mang seremonya ng pagtatapos. Ang tagumpay pala ay makikkita sa araw-araw na paglaban sa mga hamon ng buhay."

Source: The Asian Parent

No comments:

Post a Comment