Kinaaliwan ngayon sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa isang magnanakaw na 'di umano'y mayroon pa rin namang taglay na konsensiya.
Ang siste kasi, ang suspek nagnakaw ng kalabasa pero maliit na parte lang ang kinuha.
Sa post ni Ernani Gabuat noong Agosto 30, makikita nga naman na halos one fourth lang ang kinuha ng magnanakaw sa kalabasa na nakasabit pa sa sanga.
“Yung mag nanakaw ka, pero mabait ka pa din. Hahaha di mo na nilahat [laughing emoji],” sabi ni Gabuat na taga-Pozorrubio, Pangasinan.
Bagama't hindi tinukoy ni Gabuat kung kilala niya ang magnanakaw, marami ang talaga naman na-good vibes sa kaniyang post.
Pagbibiro pa ng iba, ang magnanakaw daw ang magandang halimbawa ng pagsunod sa katagang "kumuha ayon sa pangangailangan."
Suspetya naman ng ilan, baka malayo ang palengke at kinulang ng kalabasa sa pinakbet ang magnanakaw.
No comments:
Post a Comment