CHECK THIS OUT:

Search

Matandang delivery rider, binuhusan ng mainit na sabaw ng customer

Isang anak ang naglabas ng sama ng loob sa social media ukol sa sinapit ng kaniyang ama na delivery rider mula sa isa sa kaniyang mga naging kustomer.


Ayon kay Esther Erin, binuhusan di umano ng kustomer ang kaniyang ama ng mainit na sabaw dahil sa natagalan ang pagka-delay ng kaniyang order.


Kwento ng ama ni Esther, dakong alas sais ng gabi nang tanggapin niya ang isang order mula sa customer.


Dali-dali itong pumunta sa Korean restaurant kung saan hindi siya pinapasok dahil sa labas lamang daw ng kainan pwedeng maghintay ang mga rider.


Matapos ang 30 minuto, nag-message ang customer sa ama ni Esther at sinabing "Why the f*ck is my food taking so long to arrive?" 


Dahil dito, nataranta and delivery rider at pumasok sa naturang restaurant para i-follow up ang order ng kaniyang customer. Iyon nga lang, pinalabas lamang ulit siya ng mga tauhan dito at pasungit na sinabing hindi pa handa ang pagkaing hinihintay niya.


Sinubukang ipaliwanag ng ama ni Esther ang nangyari ngunit sinabihan lamang itong “You jangan kurang ajar (You don't be disrespectful)!"


Kinuha ng customer ang order niyang pagkain na may kasamang mainit na sabaw at saka itinapon sa kaawa-awang rider.


"So f*cking long better don't deliver next time," saad umano ng customer.


Bunsod ng pangyayaring ito, nananawagan si Esther sa publiko na sana ay magkaroon ng mas malawak na simpatya at pang-unawa ang publiko sa mga delivery rider gaya ng kanyang ama.


No comments:

Post a Comment