CHECK THIS OUT:

Search

Masayang outing sa Tinubdan Falls sa Cebu, nauwi sa malagim na trahedya

Ang dapat sana'y masayang outing ng isang pamilya sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu ay nauwi sa malagim na trahedya nang biglang rumagasa ang tubig pababa mula sa bundok.


Ayon sa ulat, isang pamilya na may 17 miyembro ang napagdesisyunang pumunta sa naturang talon na isa sa mga pinakakilalang tourist spot sa lugar.


Masayang nagtatampisaw sa tubig ang magpapamilya nang bigla na lamang rumagasa ang tubig dahilan upang matangay ang ilan sa kanila.


Saad ni Senior Master Sergeant Ben Navales, chief investigator ng Catmon Municipal Police, hindi naman umuulan nang maligo ang mga biktima sa talon. Iyon nga lang, nagkaroon ng malakas na ulan sa isang baranggay na siyang naging dahilan ng biglaang pagragasa ng tubig.


"Five kilometers lang siguro 'yung kasunod na barangay, 'yung pinanggalingan ng malakas na ulan," sabi ni Navales.


Base sa imbestigasyon, dalawang menor de edad ang namatay habang kinukumpirma pa kung ang isang bangkay na natagpuan ng mga mangingisda sa bayan ng Carmen ay ang nawawalang ina ng isa sa mga batang nasawi.


Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment