CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, patay matapos uminom ng 1.5L na bote ng Coca Cola sa loob ng 10minutes


Isang 22-taong-gulang na lalaki mula sa Beijing, China ang namatay matapos humigop ng isang 1.5-litro na bote ng Coca-Cola sa loob lamang ng 10 minuto sa isang mainit na panahon.

Ayon sa Clinics and Research in Hepatology and Gastroenterology, naglaroon ito ng swollen stomach and severe pain dahil sa mabilisang paginom dahil na rin sa matinding init ng panahon.

Nagkaroon ng elevated heart rate, low blood pressure at mabilis na paghinga ang lalaki habang nasa Chaoyang Hospital sa Beijing. Nangyari ito, 6hrs matapos uminom ng 1.5L na coke.

Wala naman ibang health conditions ang lalaki ayon sa mga doktor ngunit dahil sa paginom, nagkaroon ito ng gas build up sa pagkonsumo ng malaking amount ng inumin.

Nadiskubre na ang buildup na ito ay nagsimula sa kanyang intestines at napunta sa liver kaya nagkaroon ito ng hepatic ischemia o “shock liver.”

Naniniwala ang mga doktor na ang ikinamatay ng lalako ay dahil matinding pinsala sa liver nito. Hindi na rin kinaya ng medication ang damage sa liver nito,

Ayon naman sa ibang eksperto, isang bacterial infection ang maaring ikinamatay nito.

No comments:

Post a Comment