CHECK THIS OUT:

Search

Magkakapatid, sabay-sabay naging ganap na pari



Tatlong magkakapatid ang sabay-sabay na naordenahan sa pagkapari sa  Cagayan de Oro City nito lamang Miyerkules (September 8).


Ang mag-uutol ay sina Jessie James Avenido, Jestonie Avenido at Jerson Rey Avenido.


Isinagawa ang kanilang Rite of Ordination sa St. Augustine Cathedral sa araw din mismo ng kaarawan ng birheng Maria.


Ayon sa panganay na si Jessie James, ang kanilang pagiging pari ay resulta ng pagsasakripisyo at pagdarasal ng kanilang mga magulang.


Dagdag niya, pinili nilang maging pari hindi dahil sa napilitan sila kundi dahil ito ang naaayon sa kanilang kalooban.


“We have chosen this vocation neither by chance or force but our own free will,” sabi ni Jessie James.


Mayroon pang tatlong nakababatang kapatid ang mga bagong pari na hinihikiyat din nilang magserbisyo sa simbahan.

Source: Archdiocese of Cagayan de Oro

No comments:

Post a Comment