CHECK THIS OUT:

Search

11.4 lb baby na isinilang via normal delivery, kinaaliwan ng netizens

 


Aliw na aliw at manghang-mangha ngayon ang publiko sa isang cute na cute na sanggol na kasisilang lamang sa Janicolyn's Holy Angels Birthing Home sa Butuan City nitong Sabado (September 11).



Ang bouncing baby boy kasi ay tumitimbang ng 11.4 pounds o 5.2 kilos. Ang mas kinabibiliban pa ng netizens, nailuwal ito ng kaniyang ina sa pamamagitan lamang ng normal delivery.


Ayon kay Keysa Cultura, isang staff mula sa naturang birthing home, hindi niya napigilang ibahagi sa social media ang mga larawan ng sanggol dahil sa unang beses pa lamang niyang nakakita ng bagong silang na bata na ganoon kalaki.


“Ako gi post kay na amaze ko’s kabuyag sa baby,” kwento ni Cultura sa panayam niya sa Cebu Daily News.


Ang sanggol ay ikapitong anak na ng kaniyang ina. Hindi tukoy kung nakaranas ba ito ng gestational diabetes o iba pang kondisyon na nakaapekto sa laki at timbang ng bata.


Gayunpaman, saludo ang publiko lalong-lalo na ang mga ina na nakaranas na rin ng sakit at hirap ng panganganak.

No comments:

Post a Comment