CHECK THIS OUT:

Search

Ina, itinapon at inabandona umano sa kanal ng sariling mga anak


Kalunos-lunos ang sitwasyon ng isang matandang babae mula sa Thailand matapos umano siyang itapon at abandonahin sa isang kanal ng sarili niyang mga anak.


Base sa mga larawang kumakalat ngayon sa social media, payat at tila ba nanghihina ang ginang habang nakahiga sa isang plastic mat na nakalutang sa tubig. 


Ayon sa mga ulat mula sa mga Thai media, nangyari ang insidente sa Pathum Thani, Bangkok. Aksidenteng nakita ang ginang nang rumonda ang isang security guard ng kalapit na ospital.


Agad na tinawag ng security guard ang mga pulis upang ma-rescue ang matanda. Nang tanungin siya kung bakit siya nakahiga sa tubig ng kanal, sinabi niya na gusto lamang niyang matulog at magpahinga roon.


Duda naman ang awtoridad sa sinabi ng ginang lalo pa at hinang-hina ito at hindi na halos makalakad nang ma-rescue.


Sa pagkalap ng impormasyon ng mga Thai Media, napag-alaman na ang matanda ay si Thongyu Thongnil, 69-anyos mula sa Ayuttha. Ayon sa kaniyang mga kaanak, hindi nila ito inabandona at maging sila ay nagulat sa balita.


Naninirahan si Thongyu sa bahay ng kaniyang nakababatang kapatid sa Loei province. Umalis ito roon at nagtungo sa bahay ng isa niya pang kapatid sa Meuang area tatlong buwan na ang nakararaan.


Sinubakang pabalikin si Thongyu sa Loei ng kaniyang kapatid ngunit tumanggi ito at sinabing magbebenta  siya ng gulay sa Meuang upang kumita.


Giit ng mga kaanak, hindi rin nila alam kung paanong ang matanda ay napunta sa isang kanal  kung kaya nakikiusap sila sa publiko na huwag silang husgahan at pagsalitaan ng masama sa isang bagay na wala namang katotohanan.


Source: Komchadluek-net


No comments:

Post a Comment