CHECK THIS OUT:

Search

Lolo, binugbog ng tanod matapos pagbintangang nambato ng kapitbahay


Maga ang mukha ng isang 79-anyos na matandang lalaki mula sa Nueva Era, San Manuel, Isabela matapos itong bugbugin ng tanod at ng kaniyang kapitbahay dahil sa mali umanong akusasyon.


Ayon sa anak ng matanda na si Cathy Buencamino, napagbintangan ang kaniyang ama na nambato sa bubong ng kanilang kapitbahay. 


Dahil dito, sinugod siya ng kanilang mga kapitbahay, kabilang na ang isang tanod, at saka pisikal na sinaktan.


"Guys patulong nman.

Tatay ko po xa. 79 years old.

Pinagbintangan clang nambato ng bubong ng kapitbahay.

Sinugod cla at isa s mga sumugod ay tanod ng Nueva Era San Manuel Isabela," saad ni Buencamino sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules (September 8).


Hiling ng anak mai-share ng iba pang Facebook users ang kaniyang FB post hanggang sa makaabot sa programang "Raffy Tulfo in Action" upang matulungan silang makamit ang hustisya para sa ama.


"Hindi po kmi humihingi ng pinansyal.

Ang tulong po n kailangan nmin ay maishare at makarating kay Raffy Tulfo.

Isang share ay malaking tulong n po.

Maraming salamat po."




No comments:

Post a Comment