CHECK THIS OUT:

Search

Litrato ni Sen. Manny Pacquiao habang kumakain nang nakakamay, umani ng samu't-saring komento


Kaliwa't kanan ang komento ng netizens sa mga larawan ni Sen. Manny Pacquiao na kung saan makikita siyang kumakain nang nakakamay kahit pa marangya na ang buhay nito.


Ang mga larawan ay ibinahagi ng journalist na si Korina Sanchez sa kaniyang Instagram account noong September 13.


"Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: basta. Mas masarap kumain nang naka kamay. PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI," caption ni Sanchez sa kaniyang post. 


Bagama't wala namang kaintri-intriga sa naturang post, samu't-sari ang naging pananaw ng netizens dito.


May mga pumuri at nagsabing tunay na simple at magpakumbaba pa rin si Pacquiao sa kabila ng mga tagumpay na narating na niya sa buhay.


Mayroong ding mga relate sa senador at sumang-ayon na mas masarap ngang kumain nang nakakamay sa halip na naka-kutsara at tinidor.


"But I agree, eating with our hands is the best way to eat. It allows us to connect with our food and the people who prepared them. Eating should be a spiritual experience," komento ng isang netizen.


Gayunpaman, marami rin ang bumatikos at nagpasaring na nagpapabango lamang sa publiko si Pacquaio lalo na at malapit na ang susunod na eleksyon.


"The time when eating with your hand means election is coming to town," giit ng isang IG user.


"Wag nyong pag lolokohen ang tao di na uso yan ngayon we're not born yesterday," banat pa ng isa pang netizen.


No comments:

Post a Comment