CHECK THIS OUT:

Search

Bride, napahagulgol matapos ma-scam ng wedding coordinator; reception nabulilyaso



Napahagulgol na lamang ang isang bride sa Cebu matapos masira ng isang "scammer" na wedding coordinator ang dapat sana'y pinakamasayang araw nila ng kaniyang asawa.


Ayon sa ulat, matapos ang seremonya  ay nagtungo ang bagong kasal at ang mga bisita sa kanilang napag-usapang venue ng kanilang wedding coordinator na si Naser Fuentes. 


Subalit nang makarating sila sa nasabing reception, nakasarado ito dahil wala umanong naka-book na event sa araw na iyon.


Dito na napaupo at napaiyak ang bride na si Cherry Pie Purisima. Maging ang mga bisita ay nawindang sa eksenang naganap.


Paglalahad ni Purisima, nagbigay siya ng full payment kay Fuentes sa halagang P65,000 matapos nilang magkaroon ng negosasyon noong Pebrero ngayong taon.


Nakilala niya umano si Fuentes sa Facebook. Nakumbinsi siya na i-hire para sa kanilang kasal dahil sa mga magagandang feedback ukol sa wedding coordinator.


Pinag-iisipan pa ngayon ni Purisima at ng kaniyang asawa kung magsasampa sila ng kaso laban kay Fuentes na isinugod sa ospittal matapos maglaslas nang sumabog ang balitang siya ay isang scammer.


No comments:

Post a Comment