CHECK THIS OUT:

Search

Pulubi, pinabilib ang netizens sa kaniyang galing sa pagkanta



Hangang-hanga ngayon ang netizens sa isang pulubi mula sa Catarman, Northern Samar dahil sa kaniyang angking galing sa pagkanta.


Nag-viral ang palaboy na si Vicencio Empalmado matapos siyang video-han ng uploader na si Fernan Fabregrasa habang inaawit ang kantang "Just Once" ni James Ingram.


Sa mahigit apat na minutong video, kitang-kita ang todo bigay na pag-awit ni Empalmado.


Hula tuloy ng mga netizens, baka dati palang professional singer ang pulubi na nakaranas lamang ng depresyon o matinding dagok sa buhay.


"Professional Singer ito dati kc pag hawak p lang s mic Alam nya eh nagkaroon cguro ng depression kaya naging ganyan Sana matulungan cya," komento ng isang netizen.

in


Sa ngayon, umabot na sa 5 million views ang video ni Empalmado. Marami rin ang nagpa-abot ng tulong sa kaniya gaya ng libreng gupit, damit, at pagkain.




https://fb.watch/8eCLAGk66B/

No comments:

Post a Comment