CHECK THIS OUT:

Search

Bagong kasal nasabugan ng LPG; misis, patay



Labis na panghihinayang ang nararamdaman ng publiko sa pagpanaw ng isang babae na kakakasal lamang dahil sa sumingaw na LPG tank.


Sa viral na Facebook post ni Jeff Avila ng Tayabas City, Quezon, naikwento ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang asawang si Alysa Mariz.


Nangyari umano ang insidente noong September 10 matapos sumingaw ng LPG tank sa inuupahan nilang apartment sa Casimiro Town Homes, Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.


Sa sobrang lakas ng pagsabok, gumuho ang bahay na tinitirhan ng mag-asawa. Sugatan din sila nang mailabas sa kanilang tahanan sa tulong ng kanilang mga kapitbahay.


Ayon kay Jeff, madalang lang naman nilang gamitin ang kanilang lutuan. Marahil daw ay nginatngat ng daga ang host nito dahilan upang sumingaw ang LPG tank.


Nagtamo si Alysa ng matinding paso sa katawan. Halos mawalan na rin ito ng saplot sa katawan sa tindi ng pagsabog.


Naipagamot pa sa ospital si Alysa ngunit noong September 24 ay tuluyan na rin itong namaalam. Laking panghihinayang ni Jeff dahil dalawang buwan pa lamang silang kasal at hindi man lamang sila nabigyan ng pagkakataon na bumuo ng malaking pamilya.


Source: GMA News


3 comments: