CHECK THIS OUT:

Search

TINGNAN: Simpleng outfit ni Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang wedding day

Magarbo at mala-fairytale ang madalas na tema sa wedding ng karamihan sa mga Pinoy celebrity, pero hindi sa aktres na si Angel Locsin na "simple" at "non-pretentious" ang peg.


Noong Sabado (August 7), nang isapubliko ni Locsin na siya ay ikinasal na sa kaniyang boyfriend na si Neil Arce sa pamamagitan ng isang civil wedding.


Marami ang nagulat ngunit ang mas nakapupukaw ng atensyon ay ang outfit ng couple na casual lamang ang datingan.


Base sa mga larawang ibinahagi ng aktres, suot lamang niya ay isang white blazer na tinernuhan ng itim na pantalon at white rubber shoes.


Simple lang din ang make-up at ayos ng buhok ni Locsin. Hindi rin magarbo ang dala niyang bouquet.


Ang kaniyang groom na si Arce ay nakasuot din ng puting pang-itaas na pinarisan ng black jeans.


Ayon sa kanilang event planner na La Belle Fête, gusto lang daw ng couple na maging "things simple, nothing pretentious, warm, welcoming, not too feminine, raw, and real," ang kanilang wedding day.


Sa katunayan, sa isang parking lot sa tabi ng kanilang bahay nga lamang sila nagsagawa ng photoshoot.

No comments:

Post a Comment