CHECK THIS OUT:

Search

Pulis, inabutan ng pera at pinagpahinga ang lolang nagtitinda ng gulay

Hinahangaan ngayon online ang isang pulis na kusang loob na tumulong sa isang matanda na nagtitinda ng gulay nang sa gayon ay hindi na ito maglako pa sa malayong lugar.


Ang pulis ay kinilala bilang si PLT RAFAEL N ABUAN, Deputy Chief of Police ng Dipaculao MPS, Aurora PPO.


Ayon sa ulat, habang nagtatanghalian si Abuan ay napansin niya ang isang lola na papalapit na may dalang bisikleta kung saan nakalagak ang kaniyang mga panindang gulay.


Agad itang nilapitan ni Abuan at saka inabutan ng pera nang sa gayon ay makapagpahinga raw ang matanda at hindi na kailanganin pang magtinda kung saan-saan lalo pa at matindi ang panganib ngayong may pandemya.


Dahil sa inisyatibong ito ni Abuan, marami ang humanga at nagsabing siya nag patunay na marami sa mga kapulisan ang nananatiling may mabuting kalooban.


"Madame naman mga pulis mabubuti kalooban.nacisira image ng mga pulis..gumagawa ng de maganda.# proud sa mga pulis my mabuti # kalooban," sabi ng isang netizen.


"Saludo ako sayo kabayan kong pulis mabuhay ka," komento pa ng isa.


No comments:

Post a Comment