Isang ginang ang naiulat na duguan matapos siyang batuhin sa ulo ng kaniyang kapitbahay dahil di umano sa pagpapakalat ng tsimis o maling impormasyon sa kanilang lugar.
Ayon sa ulat ng Barangay FM 103.5 Davao, ilang beses ng pinagsabihan ng kaniyang kinakasama ang babae na tigilan ang pangingialam sa buhay ng iba at pakikisama sa mga isyu na hindi naman dapat niya pinoproblema.
Iyon nga lang, matigas ang ulo ng ginang at patuloy pa rin sa pagpapakalat ng tsismis sa kanilang lugar.
Kung ang iba ay ipinagsasawalang bahala lamang ang mga lumalabas sa bibig ng babae, isang kapitbahay naman niya ang napikon at sumugod sa kanilang bahay.
Dahil sa labis na galit, kumuha ang kapitbahay ng malaking tipak ng bato at saka ibinato sa ulo ng naturang "tsismosang" ginang.
Duguan at napaupo na lamang ang ginang sa harap ng kanilang pintuan pero agad naman siyang dinala sa pagamutan.
Agad namang sumibat ang nambatong kapitbahay ngunit nakatakda siyang ipatawag sa barangay dahil naghain ng reklamo sa kaniya ang binato niyang ginang.
No comments:
Post a Comment