"Best employer" kung maituturing ng OFW na si Maria Teresa Campos ang kaniyang mga naging amo na hanggang sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas ay walang ipinamalas kung hindi kabaitan.
Halos limang taon na nanilbihan bilang nanny si Maria sa pamilya ng kaniyang amo na si Ismaniza Fahida Binti sa Baling Kedah, Malaysia. Simula nang mag-umpisa siya rito noong 2016, ay itinuring siya bilang bahagi ng kanilang pamilya.
Bagama't noong una ay hindi pa buo ang tiwala ni Ismaniza kay Maria, unti-unti rin itong napamahal at napalapit dito lalo na nang ibalik ni Maria sa kaniyang amo ang isang container na naglalaman ng 40,000 ringgit o P300,000.
Mula noon, mas naging magaan ang loob ni Ismaniza kay Maria. Dito na rin niya inumpisahang bilhan ng mga gamit ang kaniyang Pinay nanny at abutan ng tulong maging ang pamilya nito.
Iyon nga lang, kinailangan umuwi ni Maria dahil sa kaniyang iniindang karamdaman. Ipinagamot siya ng kaniyang mga amo at inalok ng operasyon ngunit kusa itong tinanggihan ni Maria at mas pinili na umuwi na lamang sa Pilipinas upang makasama ang pamilya.
Nang mapag-alaman ni Ismaniza ang desisyong ito ni Maria, pinabaunan niya ito ng libo-libong piso. Nagbigay din siya ng mga alahas, cellphone, at iba pang mga gamit at saka personal na inihatid sa airport kung saan kapwa sila naging emosyonal.
Kung maaari lamang daw ayon kay Ismaniza ay pipigilan niya sa pag-alis si Maria ngunit alam niya sa kaniyang sarili na may pamilya ring naghihintay rito.
Sabi naman ni Maria, gusto pa rin niyang bumalik sa kaniyang mga amo sa oras na umayos na ang kaniyang kondisyon. Taos puso rin siyang nagpapasalamat sa pagmamahal at kabutihan na ipinamalas sa kaniyang ng pamilya Binti.

Panoorin ang kabuuang kwento rito:
So hard to leave to this kind of employer . God bless them.
ReplyDelete