CHECK THIS OUT:

Search

Mahal, sagot na ang pagpapa-therapy ni Mura para muling makalakad ng maayos



Lubos ang pasasalamat ng dating aktor na si Mura sa kaniyang bestfriend at dating katambal na si Mahal dahil sa pagbisita nito sa kaniya at pagpapaabot ng napakaraming tulong.


Matatandaang nag-viral si Mura nang maitampok siya ni Virgelyncares 2.0 sa kaniyang vlog kung saan ipinakita ang kaniyang tunay na kalagayan matapos ang mahabang panahon na pagkawala sa showbiz.


Dahil dito, kahit pa malayo at nasa kabundukan ang bahay ni Mura ay nagsikap si Mahal na marating ito kasama ang kaniyang kaibigan na si Mygz Molino siya ring naging kaniyang tagabuhat sa kanilang mahabang paglalakad.


Nang makita ni Mura si Mahal, labis ang kaniyang tuwa dahil hindi niya inaasahan na balang araw ay makikita niya ang kaniyang matagal ng kaibigan.


Masayang nagkulitan ang dating magka-love team nang marating na nila ang bahay ni Mura. Bakas ang pagka-miss nilang dalawa sa isa't-isa dahil sa kanilang walang humpay na biruan at halakhakan.


Ngunit sa huli, makikitang naging emosyonal si Mura. Ipinaalam kasi ni Mahal na siya na ang gagastos sa pagpapa-therapy niya nang sa gayon ay makapaglakad ulit siya ng maayos at makabalik sa showbiz.


Bukod dito, sinorpresa rin siya ng groceries at bigas ni Mahal at saka inabutan ng P5,000 pandagdag sa kanilang araw-araw na gastusin.


Lubos naman ang pasasalamat ni Mura dahil hindi niya akalain na dadagsain siya ng biyaya sa tulong ni Mahal.


Marami naman ang natuwa lalong-lalo na kay Mahal na hindi nakalimot sa kaniyang kaibigan sa kabila ng mahabang panahon na hindi nila pagkikita.



No comments:

Post a Comment