CHECK THIS OUT:

Search

'Pinaglihi sa alimango': Braso at daliri ng isang dalaga, biglang naglakihan at lumobo


Kaabang-abang ngayong Linggo ang episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" dahil tampok nito ang istorya sa misteryosong paglaki ng mga braso at daliri ng dalagang si Leslie.


Sa mga larawang ibinahagi ng offical Faceboook page ng KMJS, makikita kung gaano kalaking mga braso ang bitbit ng payat na dalagitang si Leslie.


Tatlong daliri na lamang niya ang hindi lumolobo at nananatiling normal kung kaya hirap na rin si Leslie na gumawa ng mga bagay bagay.


"‘Yung ibang ka-edad ko, nakikita ko na ang dami nilang kayang gawin. 

Ako, kahit simpleng pagkain at pagbibihis, sobrang nahihirapan ako. Mabigat po kasi ng mga braso ko at kumikirot," sabi ni Leslie.


Bukod dito, madalas din maging tampulan ng tukso ang dalaga. May mga tao pa nga raw na nagsasabi na ipinaglihi siya sa alimango kung kaya naglalakihan ang kaniyang mga kamay.


“‘Pinaglihi sa alimango!’  ‘Yan po ‘yung madalas na sinasabi ng mga nambu-bully sa akin. Sobrang sakit po sa damdamin ‘yung makarinig ka ng ganoon.  Tao rin naman po ako."


Sa ngayon, hiling ni Leslie na siya ay maging normal nang sa gayon ay magawa niya rin niya ang mga bagay na ginagawa ng mga kapwa niya dalaga.


Tunghayan ang kaniyang buong kwento ngayong gabi sa KMJS.



No comments:

Post a Comment