CHECK THIS OUT:

Search

100-anyos na lola na nag-viral matapos umattend ng online reunion, guro pala noon ni Gloria Romero


Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang 100-anyos na lola dahil sa kabila ng kaniyang edad ay techie pa rin ito at nakuha pang dumalo sa isang online school reunion.


Ngayon, usap-usapan ulit si Lola Virgie Malay dahil sa 45 taon niyang pagiging guro ay napag-alaman na naging estudyante rin pala niya ang beteranang aktres na si Gloria Romero.


Nang pagtagpuin sila sa programang "Tunay na Buhay," masayang-masaya nagkumustahan ang dalawa.


"I'm so proud of you. What you have reached as an actress, as a model pa," sabi ni Lola Virgie sa aktres.


Tuwang-tuwa naman si Tita Glo dahil sa naalala pa siya ng kaniyang guro kahit pa sobrang tagal na nang sila ay magka-usap at magkita.


Si Tita Glo ay malapit ng maging 88-anyos sa Disyembre. Marami ang natutuwa at namamangha dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay muli pa pala silang magkikita.


No comments:

Post a Comment